Saturday, December 11, 2010

Inday Adventures!!! Tawanan Mode..


ANGELINA ---


Pinuntahan ni Inday ang malditang alaga na si Angelina sa kanyang kwarto para sabihang maligo na.
Pagbukas ng pinto ay nakita nyang si Angelina abalang naglalaro sa PC.


Inday: Angelina, can you cease for a while? It’s time for you to take a bath.
Hindi sya pinakinggan ni Angelina na patuloy pa rin sa pag-cocomputer.


Inday: I baked some chocolate cookies for you but you can only have it after you take a bath.


Angelina: Whatever yaya! (ngunit napaisip din sya) Ok wait, I will finish this round muna.


Ilang saglit ay tumayo si Angelina at kumuha na ng twalya at damit.


Inday: What are you up to anyway? (sabay lapit sa computer)


Angelina: Don’t touch that! I’m playing online Blackjack. I won $6 na. I will be back ok?
Lumabas ng kwarto si Angelina para maligo.
Dahil hindi pa nakakalaro si Inday ng online casino, sinubukan nyang laruin ang game ni Angelina.
Pagkatapos maligo ni Angelina ay naabutan nya si Inday na gumagamit ng computer.


Angelina: Yaya!!! What are you doing??! (sigaw ni Angelina)
Lumapit sya sa computer at napansing meron na syang $829.


Angelina: Wow yaya! What did you do?
Tuloy pa rin sa paglalaro si Inday habang inexplain ang kanyang ginawa.


Inday: It’s quite simple really iha. I first employed a multilevel Hi-Lo scheme with a side count add-on based on the Zen Count system. But of course, I was utilizing an overall true count methodology to take into account the multiple decks being used. Then I took it up a peg to the Uston Advanced Point Count method and paid particular attention to strategically optimizing my bets using the three-color chip scenario to disguise my wager.


Nawindang si Angelina sa explanation ni Inday.


Angelina: Wow yaya. You’re such a winner!


Napa-smile na lang si Inday.
(mukhang nagkakasundo na ang dalawa)


PULUBI -----


Isang hapon habang nagkwekwentuhan at nagmemerienda ang barkada sa may sari sari store ay napadaan ang maglalako.


Maglalako: Hooppp…. Hopppp…. Hopppiamanipop… (napatigil ito sa nakitang pinapapak nila Inday)
Dodong: Sarap pala nito Inday, daig pa yung nabibiling popcorn sa tabi tabi.
Maglalako: Wow ang sosyal niyo naman, Chef Tony’s popcorn.
Inday: Of course, would you like some? (alok sa maglalako)
Biglang napadaan din ang pulubi at nakihingi na rin.
Pulubi: Care to offer me some of those too Inday?
Inday: Sure help yourself!
Maglalako: (matapos makakain ng ilang popcorn) … May joke ako. Ano ang last name ni Chef Tony?
Napaisip ang mga tao…
Ederlyn: Ferrer? Chef Tony Ferrer?
Pulubi: DaTiger? Chef Tony DaTiger?
Maglalako: Nope.. nope… sirit na?
Ethan: O sige sirit na kami.
Maglalako: Ede Alarcon! Hahahaha.
Inday: Chef Tony Alarcon? (mukhang di na-gets ni Inday)

No comments:

Post a Comment